DHAKA (AFP) – Nilusob ng Bangladeshi police ang kuta ng mga militante sa Dhaka at napatay ang siyam na pinaghihinalaang Islamist extremists sa engkuwentro noong Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang mga namatay ay kabilang sa grupong Jamayetul Mujahideen Bangladesh (JMB), na umatake sa isang café sa Dhaka nitong buwan na ikinamatay ng 20 bihag, karamihan ay mga banyaga, at nagbabalak ng iba pang malalaking pag-atake.

‘’Nine Islamist militants were killed after two hour-long gunfight’’ sabi ng Dhaka Metropolitan Police (DMP), idinagdag na isa pang extremist ang naaresto sa raid.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'