Para sa unang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang makaiwas sa inaasahan nang matinding trapiko sa paligid ng Batasan Complex sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa MMDA, ang mga motorista sa North Avenue ay pinadadaan sa Mindanao Avenue, at kanan sa Quirino Highway patungo sa destinasyon.

Kung nasa Commonwealth Avenue, kumanan si Fairlane, kanan sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Chestnut, kanan sa Republic Avenue, diretso sa Don Gregorio Road at Old Sauyo sa Mindanao Avenue.

Kung nasa EDSA naman, kumanan sa Congressional, kaliwa sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, kanan uli sa Don Gregorio diretso sa Republic Avenue, bago kakaliwa sa Chestnut, kanan sa Dahlia, at kaliwa sa Fairlane o Regalado. - MB Online

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?