ZAMBOANGA CITY – Isang 13-anyos na babae ang agad na pinalaya ng mga dumukot sa kanya makaraang makumpirma ng mga suspek na nagkamali sila ng biniktima sa Olutanga, Zamboanga Sibugay, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa police report kahapon, kalalabas lang sa eskuwelahan ng dalagita nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang lumitaw at tumangay sa kanya.

Agad na dinala ang biktima sa finger wharf na tinatawag ng mga residente “landing” na roon naghihintay ang isang pump boat at ang mga kasabwat ng mga kidnapper.

Gayunman, nang makita ng iba pang kidnapper ang dalagita ay nadismaya sila dahil kumpirmadong mali ang nadukot ng kanilang mga kasamahan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dalawa sa mga suspek ang agad na ibinalik ang biktima kung saan nila ito dinukot.

Nabatid ng pulisya na ang kapitbahay ng biktima at tatlo pang prominenteng personalidad sa lugar ang tunay na target ng mga kidnapper. (Nonoy E. Lacson)