Corbin at Sasha copy

OFFICIALLY married na sina Corbin Bleu at Shasha Clements!

Binanggit na ang “I do” ng High School Musical star sa kanyang longtime girlfriend na si Sasha noong Sabado, ulat ng People.

Napabalitang ikinasal sila sa Santa Barbara area ng California, na sinaksihan ng 160 bisita. Ang kanilang unang sayaw ay choreographed ni Karina Smirnoff, ang dating partner ni Bleu sa Dancing With The Stars.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Dalawang araw bago ikinasal, ipinagdiwang ng Canadian actress na si Shasha, 26, ang kanyang bachelorette party sa Saddle Rock Ranch sa Malibu, California. Ibinahagi niya sa Instragram ang highlights ng kanyang masayang araw, na kasama sa eksena ang ilang hayop.

“Because a bachelorette isn’t complete without a giraffe,” saad niya, gamit ang hashtags na “#malibuwinessafari” at “#stanleythestud.”

Nag-tweet din si Blue, “Thank you @MalibuSafaris for making my beautiful bride to be so happy!”

Masayang inalok ni Bleu ng kasal ang aktres ng Open Heart noong Oktubre 2014. Ginanap ang special moment sa harap ng Cinderella Castle sa Walt Disney World sa Orlando, Florida, mga ilang minuto bago magsimula ang fireworks show ng parke.

“She said yes!” agad na binahagi ng 27-year-old na aktor sa Instagram.

Kasunod ng engagement, nagtungo si Clements sa Kleinfeld Bridal sa New York City para bumili ng kanyang isusuot sa kasal. Sa tulong ng mga stylist mula sa Say Yes to the Dress ng TLC, nakapili siya ng Pnina Tornai gown. (ET Online)