TARLAC CITY - Hanggang ngayon ay patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa isang 23-anyos na lalaki na pinagbabaril habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Zone 2, Barangay Sinait, Tarlac City.

Kinilala ni PO1 Raffy Calma ang biktimang si James Paul Tan, ng nasabing barangay, na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan, dakong 11:10 ng gabi nitong Sabado, nang lapitan at tatlong beses na paputukan ng hindi nakilalang suspek.

Tumakas ang suspek matapos umangkas sa isang motorcycle rider. (Leandro Alborote)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!