Hulyo 24, 1982 nang maging number one hit ang ‘Eye of the Tiger’ ng Survivor sa Billboard pop chart. Nagsilbi itong theme song ng pelikulang “Rocky III”, isang hit na pelikula noong 1982.

Ayon kay Sylvester Stallone, ang datingan at tunog ng awitin ay angkop sa pelikula. Naisip ng songwriter na si Jim Peterik na makatutulong ang bawat bagsak ng suntok sa awitin para sa pelikula.

“Survival” sana ang magiging titulo ng nasabing awitin dahil sa pagkakahawig nito sa “rival”. Ninais ni Peterik na magkaroon ng drama sa simula ng awitin, kung saan makaka-relate ang mga physical therapist, sports fanatic, at ang mga taong may kinakaharap na problema sa buhay.

Naririnig din ang nasabing awitin sa mga television show.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens