ALAMINOS CITY, Pangasinan – Nang dahil lang sa asaran ay namatay ang isang estudyante matapos silang magkainitan at magsuntukan ng kanyang kaklase sa campus ng Barangay Telbang National High School sa Alaminos City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Alvin Jones Prado, 19, estudyante ng Grade 11, at residente ng Bgy. Cabatuan, habang ang suspek na classmate niya ay si Meljoe Borbon, 18, ng Bgy. Victoria.

Dakong 11:30 ng umaga nitong Biyernes at nasa eskuwelahan ang suspek at biktima nang magkaasaran ang mga ito tungkol sa isang hindi nabatid na bagay.

Nauwi sa bugbugan ang asaran ng dalawa hanggang sa bumagsak si Prado at tuluyan nang hindi nakabangon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinala sa Western Pangasinan District Hospital (WPDH) sa Alaminos City ang biktima, pero hindi na umabot nang buhay.

(Liezle Basa Iñigo)