BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Kalaboso at nahaharap ngayon sa kasong rape ang isang ama matapos niyang pagsamantalahan ang sarili niyang anak na dalagita, sa Purok 6, Barangay Bonfal West sa bayang ito.

Sa ulat ng Bayombong Police, nabatid na 13 anyos lamang ang hinalay ng kanyang ama na si Eric Rivera, 43 anyos.

Dakong 11:30 ng umaga nitong Hulyo 20, nasa trabaho ang asawa ni Rivera habang naglilinis naman ng bahay ang biktima nang tinawag siya ng suspek, pinahiga sa kama, at hinalay.

Sa panlalaban ng dalagita ay nakatakbo siya palabas ng bahay at nagtungo sa ina para magsumbong. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?