Nakatakda ang pakikipagkita ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa katuwang nito sa Malaysia at Indonesia sa unang linggo ng Agosto 2016 sa Indonesia.

Naka-iskedyul ang Tri-lateral meeting sa Agosto makaraan ang unang pagpupulong ng tatlong bansa sa Manila noong Hunyo.

Matatandaan na ang defense chief ay tumalakay ng kooperatibang paraan para matugunan ang hamong pang-seguridad sa ilalim ng kapayapaan,kaligtasan, at kaunlaran ng rehiyon.

Sa mga problema na inaasahan nilang talakayin ay mula sa kidnapping, robbery against ships, pandaigdigang krimen , at terorismo

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Partikular na nagpahayag ng pagkabahala ang awtoridad ng tatlong bansa sa sunud –sunod na pagdukot sa mandaragat ng Indonesia at Malaysia, na pinaniniwalaang dala ng mga miyembro ng extremist group na Abu Sayyaf.

(Francis T. Wakefield)