TARLAC CITY – Isang hinihinalang drug pusher, na sinasabing nasa impluwensiya ng droga, ang buong tapang na nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa mapatay sa Bypass Road sa Sitio Buno, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Batay sa ulat ni Insp. James Bugayong kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, napatay sa engkuwentro si Alvin Roldan, 33, may asawa, ng Bgy. Culipat, Tarlac City.

Nauna rito, nagsagawa ng buy-bust ang mga tauhan ng Tarlac City Police, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hanggang iabot ng poseur buyer na si PO1 Jaypee De Guzman ang P500 marked money sa suspek kapalit ng isang transparent plastic sachet ng shabu.

Ayon sa report, nang magpakilalang pulis si De Guzman ay biglang bumunot ng baril ang suspek at nakipagbarilan sa awtoridad hanggang sa mapatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam kay Roldan ang isang tricycle, isang .38 caliber revolver, ang marked money, P50 bill, cell phone, at plastic sachet na may droga. (Leandro Alborote)