Hinimok ni Senate President Franklin Drilon ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng dagdag na hakbang para makuha nila si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PC SO) general manager Rosario Uriarte.

“They have to exert more effort,” ani Drilon sa lingguhang Kapehan sa Senado kahapon.

Ang pahayag ni Drilon ay kaugnay na rin sa pagpapalaya ng Supreme Court (SC) kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep . Gloria Macapagal-Arroyo na sinampahan ng kasong plunder kaugnay sa umano’y maling paggamit sa P366 milyong pondo ng PCSO.

Sinabi ni Drilon na pwedeng hingiin ng Ombudsman sa Department of Justice (DOJ) at iba pang ahensya ng pamahalaan na hanapin si Uriarte.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Magugunita na si Uriarte ang nagbigay ng testimonya sa pagdinig sa Senado na sa harap niya nagbigay ng marginal note si Arroyo para ibigay ang pondo mula PCSO papunta sa Palasyo.

Dinagdag pa ni Drilon na dapat pag-ibayuhin pa ng Ombudsman ang paghahanap kay Uriarte na pinaniniwalaang nasa bansa pa. (Leonel Abasola)