CALASIAO, Pangasinan - Isang propesor ng Philippine College of Science and Technology (PhilCST) sa bayang ito ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang apartment sa Barangay Bued.

Sa ulat kahapon ng Calasiao Police, kinilala ang biktimang si Rolando Caballero, 65,may asawa, electrical engineer at college professor, tubong Angeles City, Pampanga, at nangungupahan sa Bgy. Bued, Calasiao.

Dakong 9:10 ng gabi nitong Martes nang matagpuan si Caballero na walang buhay, at inaalam na ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sinabi naman ng caretaker ng paupahan na intact ang lahat ng gamit ng propesor. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril