PURA, Tarlac - Hindi matiyak ng pulisya kung saan hahantong ang kasong iniharap ng isang 23-anyos na babae na matapos maanakan ng isang lalaki ay basta na lamang iniwan sa Barangay Poblacion 2, Pura, Tarlac.

Pormal na dumulog sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Pura Police ang babae upang ireklamo ang dating nobyong kinilala sa pangalang Ryan, 25, ng Bgy. Poblacion 3, Pura, matapos na sa nakalipas na maraming taon ay tumanggi ang huli na magbigay ng suportang pinansiyal sa anak nilang lalaki, na ngayon ay walong taong gulang na. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog