Jessy copy copy

MARIING itinanggi ni Jessy Mendiola ang lumabas na isyung siya raw ang dahilan ng paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin. 

Ayon kay Jessy, walang katotohanan ang isyung ito.

Pumasok lang daw naman siya sa eksena noong kinumpirma na mismo nina Luis at Angel ang kanilang paghihiwalay bilang magkasintahan. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“For me, it was very clear that they broke up already when Luis started courting me. At sa totoo lang naman, it happened to me before kaya hindi ko gagawin ‘yan to any other girl,” sey pa ni Jessy. 

Siyempre, nasaktan si Jessy sa akusasyon na ito. Naniniwala siya na may sadyang nagpapalaki lang sa naturang isyu. 

“Masakit ‘yung tawagin ka nilang ‘ahas ka’. Kasi labas ako sa kanila and what happened sa kanilang dalawa, eh, wala ako roon. Para sa akin, eh, malinis ang konsensiya ko. Malinis ang puso ko I would never ever destroy a relationship,” sey pa ni Jessy. 

Paliwanag pa ng itinanghal na pinakaseksing aktres ngayon, labas siya sa anumang naging problema nina Luis at Angel.

“Kung gusto nilang mag-usap about it or clear anything with each other nasa kanila ‘yun. Pero huwag naman nila sana akong isasali at alam nila na walang katotohanan ang bintang nila sa akin,” lahad pa niya. 

Nagpapasalamat si Jessy kay Luis dahil ipinagtatanggol siya nito. Pati ang bashers sa kanilang social media accounts ay pinatulan na ni Luis para lang maipagtanggol si Jessy. 

“Actually, Luis kept on calling me and texting me saying sorry about what’s happening right now. What he did was he asked for my Instagram password and then he took over my account and he blocked them one by one for me. 

“Alam kasi niya na masakit. Kumbaga, ‘yung alam mo namang hindi totoo ‘tapos kinakalat pa ng ibang tao, eh, hindi naman nila alam ‘yung whole story,” banggit pa ng dalaga.

Samantala, ibinalita ng aming reliable source na “more than friends” na ngayon ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ayon pa sa source, may ilang lingo nang magkarelasyon ang panganay ni Cong. Vilma Santos at ang Kapamilya actress.

Katunayan, ayon pa sa source namin, pormal nang naipakilala ni Luis si Jessy sa pamilya niya. 

O, ha? (Jimi Escala)