PANIQUI, Tarlac – Blangko pa ang pulisya sa dahilan ng pagpaslang sa isang badminton instructor na pinagbabaril ng apat na hindi nakilalang suspek sa mismong badminton court sa Dalayoan Subdivision, Barangay Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Augusto Simeon ang pinatay na si Dondee Duya, 43, ng M.H. Del Pilar Street, Bgy. Estacion, Paniqui, Tarlac.

Nabatid na pawang nakasuot ng bonnet ang mga suspek na biglang dumating sa GB Badminton Court dakong 4:30 ng hapon at pinagbabaril si Duya habang tinuturuan ang ilang manlalaro.

Patuloy pang sinisiyasat ng Paniqui Police ang motibo sa pamamaslang. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog