CLEVELAND (AFP) – Mahigit isandaang kababaihan ang naghubad at nagpakuha ng litrato na may hawak na salamin sa Cleveland, bilang tugon sa panawagan ng isang photographer na paghaluin ang sining at pulitika at ipakitang hindi nababagay si Donald Trump sa White House.

Nagtipon sila sa bisperas ng Republican National Convention, kung kailan hihirangin ang New York billionaire bilang nominado para maging pangulo.

‘’He is a loser,’’ sabi ng photographer na si Spencer Tunick sa AFP matapos ang sunrise shoot na sinalihan ng 130 babae. Isandaan sa kanila ang itatampok sa litrato na pasisinayaan bago ang halalan sa Nobyembre 8.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral