TAYUG, Pangasinan - Napatay sa engkuwentro ang top two drug personality sa bayang ito matapos na manlaban sa pagsalakay ng pulisya.

Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagpatupad ng search warrant ang pulisya laban kay Jaime Tolentino, ng Barangay Carriedo, Tayug, Pangasinan,

Sa halip na sumuko nang makorner sa kusina ng kanyang bahay, nagpaputok umano ng baril si Tolentino kaya gumanti ang mga pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang granada, dalawang baril, magazine at mga bala, limang sachet ng hinihinalang shabu, P3,300 cash, apat na cell phone, at drug paraphernalia. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!