Isang lalaki na nahaharap sa kasong rape, act of lasciviousness, at isa pang nahaharap naman sa slight physical injury, ang naaresto ng pulisya nitong Lunes, sa bisa ng arrest warrant, sa Las Piñas City.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Las Piñas Police, ang mga suspek na sina Michael Santelices, 19, ng Saint Joseph, Pulanglupa 2, Las Piñas; at Ian Paul Cecilio, 23, ng Veraville Philam, BF Resort Village, Talon 2, Las Piñas City.

Unang naaresto, dakong 1:30 ng hapon, si Santelices na inireklamo sa kasong rape at act of lasciviousness, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Virac Catanduanes Regional Trial Court Branch 42 Judge Lelu Contreras. Walang piyansang inirerekomenda para sa kanya.

Makalipas ang 15 minuto ay inaresto naman si Centiles na may kasong slight physical injury.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Ayon kay Modequillo, ang puspusang police operation laban sa mga suspek ay bilang tugon sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga grupong kriminal, wanted persons, anti-illegal drugs at loose firearms.

(Jean Fernando