SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Binigyan ni Mayor Arvin Salonga ng isang linggo ang mga nagbebenta ng ilegal na droga sa munisipalidad para sumuko sa awtoridad, at pagkatapos ng palugit ay tutugisin na ng pulisya ang mga ito.

Kasabay nito, 100 araw naman ang palugit ng alkalde sa mga drug user para mabigyan ang mga ito ng pagkakataong magbagong-buhay, bukod pa sa bibigyan ng prioridad sa pagkakaloob ng trabaho.

Samantala, nangako naman si Gapan City Mayor Emerson Pascual na magiging “zero illegal drugs” ang lungsod pagsapit ng Agosto. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito