INDANG, Cavite – Isang estudyanteng Papuan ang inaresto ng pulisya nitong Sabado ng madaling araw matapos maakusahan sa tangkang panghahalay sa isang ginang sa Barangay Kaytapos sa bayang ito.

Kinilala ni PO1 Aileen Pearl R. Gonzales, ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Indang Police, ang suspek na si Eddie Adamson, 20, estudyante ng AMA Computer College, sa Bgy. Langkaan, Dasmariñas District.

Inaresto si Adamson ng grupo ni PO3 Guilbert Hernandez makaraang pasukin ang bahay ng 36-anyos na biktima.

Kasama ng biktima ang apat niyang anak, edad siyam, walo, pito at 10 buwan, nang pasukin sila ng noon ay lasing na dayuhan, pasado 3:00 ng umaga nitong Sabado. (Anthony Giron)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!