CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang 79-anyos na lalaking retiradong kawani ng gobyerno ang natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa loob ng isang malalim na balon sa Barangay Subec, Pagudpud, Ilocos Norte, nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Vicente Aguinaldo y Ubasa, na natagpuan ng kanyang apong lalaki habang lumulutang sa loob ng balon.

Mag-isang namumuhay ang matanda at huling nakitang buhay dakong 2:00 ng hapon nitong Hulyo 8.

Pinaniniwalaang maliligo si Aguinaldo dahil nakita ang kanyang mga damit sa labas ng balon. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog