CIUDAD VICTORIA, Mexico (AP) – Sunud-sunod ang naging pag-atake ng mga armadong lalaki sa estado ng Tamaulipas sa Mexico at 15 katao ang nasawi, kabilang ang 11 miyembro ng isang pamilya na pinagbabaril habang himbing sa pagtulog, ayon sa mga opisyal.

Menor de edad ang anim na napatay sa mga pag-atake, na nangyari nitong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga sa Ciudad Victoria.

Sinabi ni Hermino Garza Palacios, secretary of government sa Tamaulipas, sa isang video conference na ang pinakamatinding pag-atake ay nangyari nitong Sabado ng umaga, makaraang pasukin ng mga armado ang isang bahay at pinagpapatay ang 11 miyembro ng iisang pamilya habang natutulog ang mga ito. Makalipas ang ilang saglit, tatlong katao naman ang pinatay sa kalapit na bahay sa Ciudad Victoria.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline