Patay ang isang lalaki na pinaghihinalaang drug pusher matapos siyang pagbabarilin sa harap ng kanyang pamilya sa Koronadal City, South Cotabato, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Koronadal City Police Office (KCPO), dakong 8:00 ng gabi nitong Biyernes nang pagbabarilin si Eric Paul Piedra Verde Roble, ng Barangay Ubalde, Agdao, Davao City.

Sinabi ni Supt. Barney Condes, hepe ng KCPO, na nangyari ang pamamaril sa Purok Abrenica sa Bgy. General Paulino Santos, Koronadal City.

Ayon kay Condes, kilalang drug pusher si Roble na nasa drug watch list ng pulisya, at sangkot din sa mga holdapan at nakawan. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog