Lovi Tom copy

NAHAHARAP sa malaking challenge sa acting sina Lovi Poe at Tom Rodriguez, mga bida ng Someone To Watch Over Me ng GMA-7.

Pagkatapos magpahinga at magbakasyon sa Europe last summer, back to work na si Lovi sa isa na namang challenging role na gagampanan niya sa bagong drama series sa GMA-7. Matindi ang paghahandang ginagawa niya ngayon dahil gagampanan niya ang role ni Joanna na ang asawa ay may Alzheimer’s disease. Kakayanin ba niya na makalimutan siya ng asawa na ang nakikilala lamang ay ang ex-girlfriend?

“Sa ngayon po ay pinag-aaralan ko na kung ano ang sakit na mararamdaman ng character na gagampanan ko,” kuwento ni Lovi. “Pero thankful ako sa GMA na ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role, kaya I will give my best para ma-justify ko ang character na gagampanan ko.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tulad ni Lovi, nakapag-recharge din last summer si Tom, kasama ang girlfriend na si Carla Abellana sa isang European trip kasama ang family nito.

Pinaghahandaan na rin ni Tom ang bagong role na gagampanan niya bilang si TJ Chavez.

“Mahirap ang role kaya pinag-aaralan at nagri-research ako tungkol sa sakit na Alzheimer’s at nalaman kong ang bilis palang mag-deteriorate ng mind ng isang taong meron nito,” ani Tom. “Hindi ko inisip na ganito ang role na ibibigay sa akin ng GMA but I’m honored na ipinagkatiwala nila sa akin ito. 

“Pero mukhang swak sa akin ang role dahil lately, mahilig akong magbasa, at isa rito ay ang nababasa ko tungkol sa mind exercises. Naging hobby na sa akin na i-stimulate ko ang aking brain, at malaki ang maitutulong sa akin nito para gampanan ang bagong role na ibinigay nila sa akin. Aware ako sa husay ng bago kong leading lady, si Lovi Poe, kaya kailangan kong sabayan din ang kakayahan niya sa pag-arte.”

Makakasama nina Lovi at Tom si Max Collins. 

Ang Someone To Watch Over Me ay mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at mapapanood na simula early August 2016.

(NORA CALDERON)