Lamar, Khloe, Rob copy

HINDI ikinatuwa nang husto ni Khloe Kardashian nang una niyang malaman na nag-propose ang kanyang kapatid na si Rob kay Blac Chyna, pero ngayon ay kaligayahan lamang ang hangad niya para sa kapatid.

Sa isang clip sa upcoming episode ng Keeping Up With the Kardashians, sinabi ng 32-year-old na reality star sa kanyang ex na si Lamar Odom ang hindi maayos na relasyon niya kay Rob, kasunod ng pag-amin nito na hindi lang ito nag-propose kay Chyna kundi buntis na pala ang kasintahan nito.

“Rob has disconnected himself from us, apparently mainly me,” aniya. “He doesn’t talk to me. I hear he talks to my sisters way more.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa pamamagitan ni Lamar, tinawagan nila si Rob at nagulat si Khloe na sinagot sila nito.

“I am really surprised that Rob answered the call because even though Lamar’s calling him, it’s from my phone,” sabi niya. “It does make me smile because at least I know he’s finally gonna answer one of my phone calls.”

Halos si Lamar ang nagsalita sa buong pag-uusap, pero inamin ni Khloe na gusto niyang magkaroon ng quality time sa kanyang nakababatang kapatid.

“I have always loved Lamar and Rob’s relationship and bond and I want them to hang out but, you know, I still want my time with Rob,” aniya. “He hasn’t had any one-on-one time with me, Rob hasn’t attempted to do anything with me.”

Sa kabutihang-palad, mukha namang inaayos na nina Khloe at Rob ang kanilang relasyon. Dumalo sina Rob at Chyna sa birthday bash ni Koko nitong Hunyo at nagpa-photo booth pa kasama si Khloe. (Yahoo Celebrity)