Tuluyan nang tinuldukan ng isang lalaki ang kanyang buhay matapos niyang magbigti dahil sa madalas nilang pag-aaway ng kanyang live-in partner sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Nakabitin pa ng lubid sa kisame ng kuwarto nang matagpuan ng kanyang kapatid si Reynaldo Cita, 43, ng Davila Street, Barangay Navotas West.

Kuwento ng kapatid ni Cita na si Lourdes Castillo kay PO1 Phillip Esgar Valera, dakong 5:00 ng umaga nang kinatok niya ang kapatid sa kuwarto nito.

Ilang beses siyang kumatok ngunit hindi ito sumasagot kaya pumasok siya at nakitang nakabigti ang kapatid.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa report, madalas mag-away si Cita at ang kinakasama niya, na umalis sa bahay nang mga sandaling iyon.

Wala namang nakitang foul play ang mga tauhan ng Scene on the Crime Operations (SOCO) sa pagkamatay ng biktima.

(Orly L. Barcala)