IKINAKASA na sa Senado, sa pangunguna ni Sen. Franklin Drilon, ang paggawad ng Emergency Powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang alalayang makahanap ng solusyon sa krisis sa trapiko sa Metro Manila.

Pati ang bagong tropa ng Pangulo sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ay sumasang-ayon sa pagkakaroon ng karagdagang kapangyarihan upang, ayon sa mga binitiwang pangako, sa loob ng ilang buwan ay malulunasan ang matagal ng perhuwisyo sa milyun-milyong mamamayan na araw-araw nananahan, bumabaybay, pumipila, at nakatengga sa gitna ng usad pagong na trapiko.

Subalit bago pa ibandera ang nasabing emergency powers, tiyakin muna ng pamahalaan kung saan ito gagamitin, sa papaanong paraan, at gaano katagal, dahil baka nga naman isipin ng madla na gaya rin sa droga at krimen, sa loob ng 6 na buwan ay “naitumba” na lahat ng problema.

Ayon kay DOTC Secretary Arthur Tugade, kakailanganin ang emergency powers upang gamitin sa pagbubukas ng mga private road, tulad sa Dasmariñas Village at Forbes Park Village. Kaya lang, ayon sa mga eksperto, ang makikinabang sa nasabing skema ay mga pribadong sasakyan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

May sabit din ang nasabing panukala dahil ang bubuksang daanan sa publiko na katabi ng EDSA, nakahilera mismo sa tahanan ng Indian Embassy, Nigerian Embassy, US Embassy, Thailand Embassy, atbp. Paano na lang ang seguridad ng mga ito? Mantakin mo ang buong EDSA pinapasok mo sa paanan ng mga nasabing Embahada?

Isa sa maaaring ipanukala ay ang pagtatayo ng ahensiya – National Urban Development & Land Use Commission upang marendahan ang walang patumanggang pagsulpot ng mga mall, condominium, at iba pa, sa mga kanto na suwak sa dagdag na pagsikip ng trapiko, halimbawa sa EDSA na 32km ay 23 mall ang pinayagan.

‘Di pa kasama ang mga condominium!

Kailangan madagdagan ang mga bagon ng MRT at LRT; tulay sa Pasig; commuter boat sa Pasig; circumferential expressway sa Laguna de Bay; at pinaka-epektibong solusyon ay “Balik Probinsiya Program”. (Erik Espina)