JESSY AT JM copy

AYON sa netizens, nagpaparamdam si JM de Guzman sa kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola sa pamamagitan ng pag-post ng video noong Linggo sa social media habang kumakanta ng When I Was Your Man ni Bruno Mars ka-duet ang isang kaibigang babae.

Sinundan ulit iyon kahapon ni JM habang kumakanta naman ng Akin Ka Na Lang ng Itchyworms na naggigitara at kasama ang mga kaibigan.

Makahulugan nga naman ang unang kanta lalo’t palaging laman ng entertainment pages na laging kasama si Jessy ni Luis Manzano at balitang-balita na nagkakamabutihan na ang mga ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mas makahulugan ang ikalawang kanta. Notorious nga naman si Luis na walang relasyon na nagtatagal.

Mas may impact talaga para sa amin ang ikalawang kanta ni JM dahil ipinagdidiinan niya ang pagbitaw ng bawat lyrics na patungkol sa lalaking malapit ngayon kay Jessy.

Wala kaming balita kung may communication pa sina JM at Jessy pero may nakapagsabi na simula nu’ng maghiwalay sila ay hindi na sila uli nagkita.

Samantala, tatlong araw na ang nakararaan ay nag-post si Jessy sa kanyang IG ng alon na korteng puso na ang caption ay, “Everything will fall into place in due time, and I’ll be right beside you when it does.”

Marahil ang post na ito ng aktres ang dahilan kaya panay-panay ang paramdam ng ex-boyfriend niyang si JM.

Ano kayang masasabi ni Jessy tungkol dito?

Magkabalikan pa kaya uli sina JM at Jessy at sila pa rin sa kabila ng lahat? (Reggee Bonoan)