Bilang pagbibigay respeto sa mga Muslim, idineklara ng Palasyo na special non-working holiday ang Hulyo 6, Miyerkules.

Kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na special non-working holiday sa Miyerkules kaugnay ng paggunita sa pagtatapos ng Ramadan o Eid'l Fitr.

Pormal na nilagdaan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na nagdedeklara sa Hulyo 6, 2016 bilang special non-working holiday. (Beth Camia)

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!