Patay ang isang lalaking nang-hostage ng isang bata at namaril ng pulis matapos siyang mang-agaw ng baril habang ibinibiyahe siya patungo sa piitan sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Ayon sa ulat mula kay Cavite Police Provincial Office Director Senior Supt. Eliseo DC Cruz, dakong 7:00 ng gabi nitong Linggo at nagsasagawa ng surveillance sa Barangay Zapote 1 ang mga intelligence officer ng Bacoor City Police laban sa number 5 drug personality sa siyudad nang bigla umano silang barilin nang dalawang beses ni Angelo Allampayan, alyas Loloy, 38, helper, ng Bgy. Talaba 2, Bacoor City.

Nabaril sa kaliwang braso si PO1 Teddy Delos Santos, 33, kaya nagkaroon ng habulan at tumakbo ang suspek sa bahay ng kanyang kinakasama ang hinostage ang isang lalaking menor de edad.

Tatlong oras na nakipagnegosasyon ang mga pulis sa suspek hanggang sa mapasuko nila ito at mabawi ang bata.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pero dakong 11:45 ng gabi, habang sakay sa police mobile ay inagaw umano nito ang baril ng katabing si PO1 Ashley Vergel at kinagat ng braso nito habang nananadyak kaya nagpambuno ang dalawa, at napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek. (Beth Camia)