STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Patay agad ang isang 56-anyos na ikasiyam sa priority target ng Sto. Domingo Police makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga armado sa Purok 4, Barangay Sto. Rosario sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Sto. Domingo Police ang nasawi na si Raffy Francisco y Guiao, vendor, umano’y drug pusher, at residente sa nasabing lugar, na nagtamo ng halos 15 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagluluto ng ulam sa kanyang karinderya si Francisco nang biglang sumulpot ang mga suspek at malapitan siyang pinagbabaril.

Nabatid sa record ng pulisya na si Francisco ay ikasiyam sa matagal nang minamanmanan ng pulisya dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog