CONCEPCION, Tarlac – Nasawi ang isang nagmamaneho ng Mitsukoshi Sport Bonus motorcycle matapos mawala sa kontrol at bumalandra sa kongkretong pader hanggang mahulog sa isang malalim na kanal sa Sitio Matalusad, Barangay Sta. Cruz, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Regie Amurao ang namatay na si Mikaela Suarez, 19, single, dalaga, driver ng motorsiklo (BA-94064), ng Bgy. Sta. Monica, ng nasabing bayan.

Napag-alaman na nangyari ang insidente sa pagitan ng 12:30 ng hatinggabi at 3:00 ng umaga.

Patungo noon ang motorsiklo sa Bgy. Sta. Monica sa Concepcion nang bigla itong mawala sa kontrol at bumangga sa kongretong pader bago nahulog sa malalim na kanal. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog