DHAKA, Bangladesh (AP) – Sinabi ng pinakamataas na opisyal ng Bangladesh military na 20 bihag ang napatay sa pag-atake sa isang restaurant sa Dhaka matapos na salakayin at gawing bihag ng ilang armadong militante ang maraming tao sa 10-oras na hostage crisis.

Ayon kay Nayeem Ashfaq Chowdhury, anim sa mga suspek ang napatay sa rescue operations kahapon ng umaga. Labingtatlong bihag, kabilang ang ilang dayuhan, ang nasagip.

Dalawang pulis ang napatay matapos na salakayin ng mga suspek ang sikat na Holey Artisan Bakery at magpaulan ng bala sa loob ng establisimyento nitong Biyernes ng gabi.

Hindi naman inihayag ni Chowdhury ang pagkakakilanlan ng mga bihag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inako ng Islamic State ang pag-atake, ayon sa SITE Intelligence Group.