BAMBAN, Tarlac – Isang driver ng motorsiklo at tatlong sakay nito ang malubhang isinugod sa Ospital Ning Capas matapos nilang bumangga sa isang kotse sa highway ng Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Sa report ni PO1 Jovan Yalung, traffic investigator, kinilala ang mga sugatang biktima na sina Gabriel Salac, nasa hustong gulang, driver ng Sinski Navigator Motorcycle na may plakang YP- 7036; Romnick Morales, nasa hustong gulang; Nicholas Salac, 21; at Jericho Francisco, 17, lahat ay residente ng Sitio Salangi, Bgy. Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Ang kanilang nakabanggaang kotse ay Toyota Hi-Ace na may plakang UOC- 647 at minamaneho ni Jay Sanchez, 39, may-asawa, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, ng nasabing bayan.

Sa record ng CCTV camera na nakainstala sa lugar, patungo ang motorsiklo sa bayan ng Capas, Tarlac nang aksidenteng bumangga sa nakasalubong na kotse, bumalandra ito sa gitna ng kalsada na grabeng ikinasugat ng apat na biktima, na hindi pa matiyak ang kalagayan sa ospital. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog