PANTABANGAN, Nueva Ecija – Muntik nang mapatay ng isang 53-anyos na ama ang kanyang 17-anyos na anak na lalaki matapos siyang magwala at tagain ito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cadaclan, nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ng Pantabangan Police ang biktimang si Renz Velasco y Evangelista, habang pinaghahanap na ang tumakas niyang ama na si Renato Velasco y Mantile, 53, matapos isuplong ng asawang si Gina Velasco.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rogelio DC Rivera, dakong 3:00 ng umaga nang umuwing lasing na lasing ang suspek at walang sabi-sabing pinaghahataw ng itak ang anak, na nataga sa ulo at kanang braso. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?