Hunyo 29, 1974 nang maluklok si Isabel Peron bilang unang babaeng presidente ng Argentina.

Ipinasa sa kanya ng asawang si Juan Peron, na noon ay pangulo ng bansa, ang responsibilidad nito nang kailanganin ng huli ang maghapong gamutan at pahinga. Makalipas ang dalawang araw, pumanaw si Juan dahil sa sakit sa puso. Kilala si Juan sa pagpapakulong sa political “enemies”.

Nahirapan si Isabel na makuha ang suporta ng makakapangyarihang grupo sa kabila ng nangako ang mga ito na tutulong sa kanya. Hinarap niya ang lumalalang sitwasyon sa pulitika at ekonomiya ng bansa. Nabigo rin siyang makuha ang suporta ng publiko.

Dahil sa terorismo sa pulitika, pinatalsik si Isabel sa pamamagitan ng kudeta na nauwi sa madugong rehimen, noong Marso 1976. Kalaunan, nagdesisyon si Isabel na manatili sa Madrid, Spain, makalipas ang limang taong pagkakakulong dahil sa “abuse of property”.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan