Aminado ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na may lumitaw na “error” sa pagsasagawa nito ng quick count sa resulta ng botohan nitong Mayo 9.

Bunsod ng networking connectivity issue, sinabi ni PPCRV Communications and Media Director Ana de Villa Singson na posibleng naipakita nila ang maling kuha sa big screen, na roon nakasaad ang resulta ng bilangan ng boto.

“That is the problem with having a lot of volunteers. Sometimes, they show you a lot of screens and, we can’t control it. But in the Central Server, we were able to show the wrong screen,” pahayag ni De Villa.

Nitong nakaraang linggo, pormal na hiniling ng Confederation of Non-Stock Savings and Loan Associations, Inc.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

(CONSLA) Party-list na magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y discrepancy sa bilang ng boto na nakuha ng grupo.

Ayon sa CONSLA, umabot sa 555,896 ang nakuhang boto nito hanggang tanghali ng Mayo 10 base sa quick count ng PPCRV na ipinaskil sa Twitter account nito. Laking gulat ng grupo nang lumitaw sa official count ng Commission on Elections (Comelec) na nakakuha lang ito ng kabuuang 213,814 votes.

Subalit iginiit ni Singson na naituwid nila ang bilang na ipinakikita sa big screen matapos matuklasan ang mga error.

“That only happened for a short period of time. And when we found out, we fixed it right away... we had to do adjustments to the script of the party-list,” aniya.

“Our screens are networked. There was a networking connectivity issue rather than the data. The data was always correct. It’s just the connectivity issue that is why the ones projected on the screen were wrong,” dagdag ni Singson.

Ang naturang resulta na ipinaskil sa Twitter ang naging basehan ng reklamo ng CONSLA sa Comelec.

(Leslie Ann G. Aquino)