Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- Letran vs EAC

2 n.h. -- Lyceum vs San Beda

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- St.Benilde vs Mapua

Pinatunayan ni Jorem Morada na karapat-dapat siya sa starting line-up ng Emilio Aguinaldo College.

Hataw ang 6-foot-3 guard sa natipang 14 puntos sa final period para sandigan ang Generals sa 64-57 panalo kontra Lyceum of the Philippines Pirates nitong Linggo sa NCAA Season 92 men’s basketball elimination sa San Juan Arena.

Maagang nakontrol ng Generals, sa pangunguna ni Hamadou Laminou, ang laro sa naitarak na 19-9 bentahe sa unang period.

Ngunit, nakabalik ang Pirates sa 44-40 mula sa opensa ni Mike Nzeusseu may anim na minuto sa final period.

Sa alanganing sitwasyon, ibinalik ni coach Ariel Sison si Morada na bumalikat sa Generals, tampok ang magkasunod na three-pointer para sa unang panalo ng eskwelahan sa post-Andy de Guzman coaching team.

“Ang sabi sa akin ni coach, ’Sige, gawin mo lang yung gusto mo,’ malaki ang tiwala niya sa akin,” sambit ni Morada, naging bench warmer sa nakalipas na season bunsod ng hindi pagkakaunawaan sa dating coach.

Nalusutan naman ng San Sebastian College ang College of St. Benilde, 54-49, sa kanilang debut match.

Sa junior division, inilampaso ng reigning champion at 8-peat seeking San Beda College ang Letran, 107-74, kahapon sa pagbubukas ng aksiyon sa juniors division ng NCAA Season 92

Nanguna para sa nasabing panalo ng tropa ni coach JB Sison si Joshua Tagala na nagposte ng 19 puntos, anim na rebound, dalawang assist at pitong steal, habang nagdagdag ang last year’s finals MVP na si Evan Nelle ng 17 puntos, walong assist at anim na steal.

Samantala, maghahangad ng kanilang ikalawang sunod na panalo ang San Beda, Emilio Aguinaldo College at Mapua sa pagbabalik ng aksiyon ngayong hapon.

Iskor:

(Unang laro)

EAC (64) — Laminou 16, King 15, Morada 14, Munsayac 10, Onwubere 5, Pascua 2, Aguas 2, Corilla 0, Guzman 0, Mendoza 0, Diego 0, General 0, Serrano 0, Estacio 0.

LPU (57) — Baltazar 19, Nzeusseu 14, Alanes 8, Bulawan 4, Caduyac 4, Marata 4, Ayaay 2, Serafico 2, Malabanan 0, Soliman 0, Magbuhos 0, Alban 0, Rubite 0.

Quarterscores: 19-9; 32-21; 39-36; 64-57.

(Ikalawang laro)

SAN SEBASTIAN (54) – Fabian 12, Calisaan 8, Ilagan 8, Capobres 5, Valdez 5, Baetiong 4, Bulanadi 4, David 2, Costelo 2, Sera Jose 2, Gayosa 1, Johnson 1, Mercado 0, Quipse 0, Miguel 0.

CSB (49) – Domingo JJ 10, Saavedra 9, Fajarito 8, Young 8, Haruna 6, Leutcheu 3, Dixon 2, Pasamante 1, San Juan 1, Belgica 1, Castor 0, Sta. Maria 0, Pajarillaga 0, Doming JS 0, Pili 0

Quarterscores:

17-13, 31-19, 42-30, 54-49 (marivic awitan)