John Arcilla
John Arcilla
MASIPAG mag-promote si John Arcilla para sa malapit nang umere na requel ng Encantadia na kasama siya sa major cast bilang si Haring Hagorn. 

Importante ang role ni John bilang main contravida, humalay kay Reyna Mine-A (Marian Rivera) at naging anak nila si Pirena (Glaiza de Castro).

Nakunan na ang mga eksena nina John at Marian at puring-puri niya ang primetime queen pati na ang asawang si Dingdong Dantes na gaganap naman sa role ni Raquim. 

Very professional daw ang mag-asawa, napakamagalang na tao ni Dingdong at walang reklamo sa mahirap na mga eksenang kinukunan ni Direk Mark Reyes.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa isang TV interview, inamin ni John na nakakapagod ang taping nila ng fantaserye. 

“Pero sulit lahat ang pagod ‘pag nakita na namin ang output. Kung alam lang nila kung ano ‘yung ginagawa namin. May pagod, pero fulfilled ka ‘dun sa pinagpapagguran mo,” wika ni John.

Samantala, nasa Gaisano Mall sa Tagum, Davao kahapon sina Glaiza, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla para i-promote ang Encantadia na next month na ang grand premiere. Kasama nila sina Rocco Nacino at Ruru Madrid sa Davao.