Novak Djokovic
Novak Djokovic
LONDON (AP) — Kung papalarin, sa championship ng Wimbledon magtatagpo sina Novak Djokovic at Andy Murray.

Sa isinagawang system seeding, nakuha nina Djokovic at Murray ang unang dalawang puwesto para sa opening day ng ikatlong major tournament sa World Tennis Federation (WTA) sa Miyerkules.

Ibinatay ang pagbibigay sa seeding sa kasalukuyang world ranking, gayundin sa naging tagumpay sa grass-court tournament.

Ang No.10 rank player ng France na si Richard Gasquet, two-time semifinalist dito, ay No.7 seed, habang ang ika-13 na si Marin Cilic, quarterfinalist sa torneo sa nakalipas na dalawang taon, ay No.9 seed.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sinusunod naman sa women’s seeding ang katayuan sa WTA ranking, kung kaya’t No.1 si six-time champion Serena Williams, at No. 2 si Garbine Muguruza, kasunod sina Agnieszka Radwanska, Angelique Kerber at Simona Halep.

Nasa No.3 ang 17-time major champion na si Roger Federer, kasunod ang kababayang si Stan Wawrinka. Nakuha ni Japanese star Kei Nishikori ang No. 5, habang No.6 si Milos Raonic.