Matteo at Sarah copy

TINAWAG ni Matteo Guidicelli na malaking kasinungalingan ang isyung buntis ang kasintahan niyang si Sarah Geronimo. 

Ayon pa kay Matteo na kagagaling lang mula sa matagumpay na Europe tour kasama ang co-stars niya sa seryeng Dolce Amore, aware naman siya sa pinagpipistahang isyu tungkol sa kanila ni Sarah. 

“Nakarating agad sa akin ang balita na ‘yan, na buntis daw siya and that’s not true at all. Walang katotohanan ‘yan,” may diing pahayag ni Matteo. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Unang nagsalita hinggil sa isyu ang manager ni Sarah na si Boss Vic Del Rosario at itinanggi ng Viva produ ang balita. Ipinaliwanag naman agad ni Matteo na dahil sa naging karamdaman ni Sarah na dahilan sa pansamantalang pagpapahinga ng sikat na singer at aktres ay doon daw nag-umpisa ang naturang intriga. 

“Well, she was just feeling really bad nu’ng mga nakalipas na araw. Nagka fever or something pero nothing to worry and nothing serious. She just needs rest,”sey pa ni Matteo.

Tuwang tuwa naman si Matteo dahil last Sunday ay lumitaw na sa programang ASAP si Sarah at talagang ipinakita nito sa lahat na walang katotohanan ang tsimis na buntis ang Pop Princess. 

Samantala, sa seryeng “Dolce Amore” na kung may mga nang-iintriga na support lang si Matteo sa tambalang Liza Soberano at Enrique Gil ay hindi raw naman isyu ‘yun para sa boyfriend ni Sarah Geronimo.  

“Well, I don’t mind naman because who doesn’t want to be just a third party to Liza and Enrique? Kumbaga, sobrang nakakaalis ang mga fans nila. Sa totoo lang nu’ng nasa Europe kami,eh, I would see their young fans sa front rows ng theatre. Sobrang nakakatuwa,” paliwanag pa rin ni Matteo. (JIMI ESCALA)