Kontrolado na ang pneumonia ni Senator Miriam Defensor-Santiago, na matatandaang dahilan ng ilang araw niyang pagkaka-confine sa Makati Medical Center kamakailan.

”She is feeling better. Thank you,” pahayag sa Twitter at Facebook accounts ng senadora.

May stage 4 lung cancer, isinugod sa ospital si Santiago makaraang mahirapang huminga ilang araw matapos ang eleksiyon nitong Mayo 9.

Dalawang araw siyang nanatili sa Intensive Care Unit (ICU) ng nasabing ospital, at hindi na rin siya nakadalo sa huling sesyon ng Senado nitong Hunyo 6.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Magtatapos na ang termino ni Santiago sa Hunyo 30. - Leonel Abasola