Richard, Jodi & Ian
Richard, Jodi & Ian
NAKAKAALIW ang posts ni Jodi Sta. Maria na promo ng Achy Breaky Heart, ang movie nila nina Richard Yap at Ian Veneracion na showing sa June 29. 

Sa picture nina Ian at Richard na parehong naka-shades, ang sabi ni Jodi, “Haaay... ang sakit naman sa ulo nito! Hirap ng pinag-aagawan. Labanan ng shades.”

Ipinost din ni Jodi ang official poster ng Star Cinema movie at ‘yun, nagkanya-kanyang team ang followers ng aktres. May Team Tisoy for Ian at Team Chinoy for Richard.

Pinaaabangan din ni Jodi ang international screening ng pelikula sa direction ni Tonette Jadaone. Pero kahit hindi niya sabihin, marami na ang nag-aabang na mga kababayan natin na mapanood ang pelikula dito mismo sa Pilipinas.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sabi pala ni Erika Padilla, gumaganap na best friend ni Jodi sa movie, napansin niyang pinagsama-sama sa cast ang mga artistang nakatrabaho ni Jodi noon at ngayon.

Si Richard ay leading man ni Jodi sa Be Careful With My Heart. Si Ian ay nakapareha naman niya sa Pangako Sa ‘Yo. Si Desiree del Valle ay nakasama ni Jodi sa Tabing Ilog at si Erika ay nakasama rin niya sa Pangako Sa ‘Yo. --Nitz Miralles