CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa Barangay 35, Gabu Sur sa Laoag City, Ilocos Norte, nitong Martes.

Ayon sa pulisya, binawian ng buhay si Leopoldo Salvador Ramos, 59, residente ng Bgy. Gabu Sur, Laoag City, sa ospital dahil sa malalim na saksak na tinamo sa kaliwang kilikili.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joselito Salvador Ramos, 51, na kusang sumuko sa pulisya matapos ang insidente.

Sinabi ng pulisya na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na nauwi sa pananaksak. (FREDDIE G. LAZARO)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog