Kit at Teacher Rico copy

GRADUATE na si Keith ‘Kit’ Thompson ng acting course niya sa New York Film Academy ngayong taon, kaya naman proud na ipinost ng aktor ang kanyang litrato kasama ang teacher niya.

Ang caption ni Kit sa picture na may hawak siyang certificate, “With my scene study teacher Rico Rosetti. Graduated from #newyorkfilmacademy.

“Time flies when you’re having fun! I’ll miss everyone dearly. I can’t believe it’s been almost a year since I left the Philippines to pursue my love for acting. #newyork #stronger,” saad ng Cornerstone talent sa kanyang Instagram account.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nagpunta ng Amerika ang aktor noong nakaraang taon habang wala pa siyang masyadong ginagawa dahil gusto niyang mag-aral ng acting, hinayaan naman siya ng manager niyang si Erickson Raymundo dahil sa ikauunlad naman ito ng alaga niya.

Bagamat wala sa bansa ay visible naman sa telebisyon si Kit dahil patuloy na umeere ang kanyang Sprite TVC kasama si Ritz Azul. Kung hindi kami nagkakamali ay pangalawang version na ito, nauna ‘yung pawang mga modelo ang kasama na ang famous line niya ay, “sasamahan kita sa lahat” na kinabog ang lahat ng guys na gustong sumama sa leading lady niya sa iba’t ibang event.

Uumuwi ng bansa si Kit sa Hulyo, pero sandali lang yata siya sa Pilipinas dahil gusto niyang ituloy ang acting career niya sa Hollywood. Matatandaan na nauna nang sumubok si Sam Milby roon.

Malalaman sa susunod na buwan kung mananatili si Kit sa bansa o hindi base sa pag-uusapan nila ng manager niya.

Huling napanood si Kit sa Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil. (REGGEE BONOAN)