Hunyo 15, 1667 nang isagawa ni Jean-Baptiste Denys, ang personal na doktor ni King Louis XIV, ang unang dokumentadong pagsasalin ng dugo sa isang 15 taong gulang na lalaki. Nagkaroon ng lagnat ang binatilyo makaraang makagat ng linta.

Sinalinan ang binatilyo ng 12 ounces ng dugo ng tupa, hanggang sa mabilis itong gumaling at naging mataba. Dahil dito, nagsagawa pa si Denys ng mas maraming pagsasalin, na hindi naging kasing-tagumpay ng una. Namatay ang ibang sinalinan ng dugo, na naging dahilan upang ipagbawal ito sa France noong 1670, na ginaya ng England.

Taong 1795 nang isagawa ng Amerikanong doktor na si Philip Syng Physick ang unang human-to-human transfusion sa mundo.

At pagsapit ng 1902, nadiskubre ni Karl Landsteiner ang apat na uri ng dugo ng tao at ipinakita ang presensiya ng agglutinins sa dugo. Ginawaran siya ng Nobel Prize.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'