KIRAY AT ENCHONG copy

DIRETSAHANG nagpahayag si Kiray Celis nang humarap sa presscon ng pelikulang I Love You To Death na kikita ang pelikula nilang ito ni Enchong Dee dahil kumita ang pelikula niyang Love Is Blind with Derek Ramsay naman.

Katwiran ni Kiray, marami raw ang interesado na mapanood ang pangalawa niyang movie dahil nagustuhan ng mga ito ang first starring movie niya.

“Basta ako, eh, masayang-masaya dahil pinagkatiwalaan ako muli ni Mother Lily (Monteverde),” sey ni Kiray.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Palabas na sa July 6 ang I Love You To Death katapat ang pelikula naman ni Jaclyn Jose na kamakailan lang ay tinanghal na Cannes Best Actress.

Ikinukumpara si Kiray kay Jennylyn Mercado, pero ayon sa young comedy queen, malaki ang kaibahan nila ng Kapuso actress.

“May nagtanong nga sa akin na parang sinasabi niyang sunud-sunod ang pelikula at si Jennylyn Mercado ang peg ko raw.

Sa totoo lang ang layo ko naman kay Jen, ang dami na niyang napatunayang hit movies. Kaya hindi p’wedeng siya ang peg ko,” sey ni Kiray.

Bagamat sina Eugene Domingo at Ai Ai delas Alas ang iniidolo, ayaw din ni Kiray na masabing sinusundan niya ang mga yapak nila.

“Sobrang napakalayo na ng narating nila. Hindi ko kaya ‘yun. Ang gagawin ko, eh, ‘yung kung ano ang makakaya kung gawin at ‘yung para lang dapat sa akin. Gusto kong makilala ako bilang Kiray Celis.”

Hindi man daw siya kasing ganda ng mga iniidolong aktres, masaya na si Kiray sa natatanggap niyang mga komento ng mga nakakausap niya.

“May mga nakakausap ako na first time akong nakikita ng personal at sinasabi nilang ang ganda ko raw sa personal, du’n na lang masaya na ako.”

Bukod sa panlabas daw niyang anyo, aminado si Kiray na may pagkamataray at matapang din siya.

“Well, hindi naman ‘yung tapang na wala sa katwiran. Ako, eh, gusto kong maipagtanggol ang sarili ko sa mga umaapi sa akin. Hindi naman tayo basta na lang maapi at marunong kang dapat malaman para ‘wag ka nilang apihin,” sey pa ng aktres. (JIMI ESCALA)