CABANATUAN CITY - Mahigpit na pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang katiwala sa farm makaraang madiskubreng nawawala ang 12 baka na pinaaalagaan dito sa Purok Plaridel, Barangay Cabu sa lungsod na ito, nitong Lunes ng hapon.

Inireklamo ni Allan Purisima Jr., y Isidoro, 27, negosyante, ng Bgy. Magpapalayok, San Leonardo, Nueva Ecija, si Rolly Dela Rosa, caretaker sa nasabing farm dahil sa biglang pagkawala ng 12 niyang baka na inaalagaan nito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodrigo Idago, dakong 5:30 ng hapon nang bumisita ang negosyante sa kanyang pastulan at laking gulat niya nang wala na kahit isa sa 12 niyang baka, at wala na rin si Dela Rosa.

Kinasuhan ni Purisima ng qualified theft ang tumakas na katiwala. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog