Kiray (PLEASE CROP) copy copy

NAIKUMPARA raw si Kiray Celis kay Jennylyn Mercado sa nakaraang presscon ng I Love You To Death na pawang guwapo ang leading man tulad nina Derek Ramsay na nakasama na rin ng una at si Jericho Rosales.

“Oo nga, may nagtanong sa akin niyan, parang si Jennylyn daw ang peg ko, parang ang layo ko naman kay Jen. Ang dami na niyang napatunayan,” sabi ni Kiray.

Paglilinaw ng bulilit aktres, sarili raw niya ang peg niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Wala akong peg, gusto ko sarili ko lang, wala akong gustong sundan. Pero ang idolo ko sa pagiging komedyana ay sina Eugene Domingo at Ai Ai de las Alas.

“Pero hindi ko sila gustong sundan kasi hindi ko sila masusundan kahit anong mangyari, hindi ko kaya ‘yun, gagawin ko ang lahat para sa akin, gusto ko makilala ako bilang Kiray Celis hindi dahil pineg ko si Eugene o si Ai Ai.”

Natanong din ang leading lady ni Enchong Dee kung hindi ba siya nasasaktan sa mga komento sa kanya na kung maka-emote raw siya ay feeling maganda, gayong hindi naman. Hindi ba siya nasasaktan kapag nilalait siya?

“Eversince naman kasi nu’ng bata ako, ganyan na sinasabi sa akin, di ba? Sa Goin’ Bulilit nga, parang sobrang used to it, hindi naman ganu’n ang tingin ko sa sarili ko, eh. Kung hindi mo ako magugustuhan ng ganu’n, wala akong pakialam sa ‘yo,” katwiran ni Kiray.

“Doon naman sa Goin’ Bulilit, nilalagyan ako ng pimples, hindi naman ako maitim nu’ng bata ako, so okay lang. Wala akong galit sa kanila (bashers).”

Nabanggit na sana raw ginawa na rin ni Kiray ang Tagalog version ng Chucky Doll.

“Ay, nabasa ko nga, pero natawa lang ako, eh, natatawa ako sa mga taong lumalait sa akin, pero kapag nakikita ko nang personal, nagugulat sila hindi ko alam kung bakit, pero ayokong magyabang kasi sabi nila, ‘maganda ka pala?’ 

“Hindi kasi ako pangit, hindi ako pangit na tulad ng napapanood ninyo sa TV, hindi ako ‘yun. Kapag nakita n’yo ako ng personal, maayos ako.”

Samantala, pagkatapos nina Derek at Enchong ang pangarap ni Kiray na maging leading man ay ang long time crush niyang si Sam Milby na puwedeng gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment.

Hindi raw nagbabago ang pangarap na iyon ni Kiray at nabanggit na niya ito kay Mother Lily Monteverde na gagawa raw ng paraan para magsama sila.

Mapapanood na ang I Love You To Death sa Hulyo 6, sa direksiyon ni Miko Livelo. (Reggee Bonoan)