CABANATUAN CITY - Isang 46-anyos na lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad makaraang masakote ng warrant team ng Cabanatuan City Police sa pinagkukutaan nito sa Purok Amihan, Barangay Barrera ng lungsod na ito.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Joselito Villaroza Jr., ng Cabanatuan City Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang matagal nang wanted sa kasong murder at frustrated murder na si Orlando Matamis y De Leon, residente sa nasabing lugar, na hindi nakapalag sa arresting team.

Ayon sa pulisya, 14 na taon na nilang pinaghahanap si Matamis. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog